Bakit Pinabayaan?

Bakit pinabayaan
ang ating kalikasan?
Tignan mo ang iyong paligid.
Kay dumi na ng tubig.

Bakit pinabayaan
mga tanim na luntian?
Alam niyo bang mapagkukunan
pagkain, laman sa tiyan?

PRE-CHORUS:
Di ka ba naaawa?
Gisingin na ang konsensya.

Bakit pinabayaan
mawala ng tuluyan
mga ibong nagliliparan
sa ating kalangitan?

PRE-CHORUS.

CHORUS:
Kabataan, kami’y pakinggan.
Kapaligiran, huwag pabayaan.
Kabataan, kami’y pakinggan.
Kapaligiran, huwag pabayaan.

Bakit pinabayaan
ang hanging nilalanghap?
Polusyon ba ang dahilan
kaya ngayo'y nahihirapan?

Bakit pinabayaan
basura mong itinapon kung saan?
Di mo ba nakikita
nagmistula na kabundukan?

PRE-CHORUS.

Bakit pinabayaan
nakakalbong kagubatan?
Ubos na likas na yaman.
Di na sila mapapalitan.

PRE-CHORUS.
CHORUS.

Paano mo naaatim
kalikasang pinabayaan man din?
Bakit di ka matauhan?
Sadya ka bang ganyan? (3x)

CHORUS (2x).