Bakit Di na Lang Tayo?

Umiiyak ka na naman.
Siya na naman ba ang dahilan?
Lagi ka na lamang ganyan.
Hindi ko maintindihan.
Sabi pa naman nila'y matalino ka.
Ba't sa pag-ibig, ika'y tanga?

Ano bang nakita mo sa kanya
at di mo siya maiwanan?
Lagi ka lang niyang sinasaktan
nilolokong harap-harapan.
'Kala ko pa naman ay aayaw ka na.
Ba't hanggang ngayo'y na-kanya ka pa?

CHORUS:
Bakit di na lang tayo?
Ba't kailangan mo pang
ipagpilitan sa iba
ang iyong nararamdaman?
Sa aki'y sigurado
ang pag-ibig mo.
Sa piling ko'y ikaw lang
wala ng iba.

Hindi ka pa rin natututo.
Di siya magiging tapat sa'yo.
Ilang ulit ka niyang kailangang saktan
para lang iyong maramdaman
na ika'y di mahalaga sa kanya?
Turing niya sa'yo'y hindi prinsesa.

Payagan mo na kasi ako
na ihayag ang aking puso.
Pangako di mo pagsisisihan
na ako'y iyong pagbibigyan.
Alay ko sa'yo'y wagas na pagmamahal.
Sagutin mo na sana ang aking dasal.

CHORUS.

Ba't sa lahat-lahat ng maaaring ibigin
ay ikaw pa na mayro'n ng nag-aangkin?
Puso nga nama'y hindi maturuan.
Di na sana ako ngayon nahihirapan.

CHORUS (2x).