Parang kailan lang nang ika'y unang makita.
Bakit tila kay tagal?
Bakit ganito ang nadarama ng aking puso?
Oras tila yata'y bumagal.
Magmula noon, hindi na tayo mapaglayo.
Daig pa natin ang mga kambal-tuko.
Kahit anong gawin ay lagi kang kasama.
Bawat oras ay kapiling ka.
Hindi natin pansin ang ibang nasa paligid.
Para sa'ti'y tayo lamang dal'wa.
Anumang unos ang sa atin ay magtangkang sumubok
hindi mahihinto ang ating indayog.
CHORUS:
Siguro nga'y pag-ibig na ang ating nadarama.
Siguro nga tayong dal'wa'y para sa isa't isa.
Siguro nga'y ito na ang sinasabi sa'tin ng iba.
Siguro bukas, malay natin, tayo'y sigurado na.
Hanggang kailan kaya tayo mananatiling
magkaibigan at hindi higit pa.
Huwag sanang mag-iba ang ating pagtitinginan.
Ang maging tayo'y siya na lamang kulang.
Batid na ng lahat na tayo ay sadyang pinagtagpo.
Hinihintay na lang sana'y maging tayo.
CHORUS.
At kung hindi naman ay ano pang ibig sabihin
ng ating pagmamabutihan, ng ating pagiging malapit.
Hindi naman siguro natin nais na makasakit.
Tanging nais lang naman natin ay tunay na pag-ibig.
CHORUS (2x).