Hoy Pedro! Ano pang iyong ginagawa?
Bakit nakatunganga?
Hoy Pedro! Huwag nang magdal'wang isip pa.
Sa akin ay makisama na.
PRE-CHORUS:
Hindi bukas, noon kundi ngayon.
Kailangan na'ng iyong kooperasyon.
CHORUS:
Tara na, kilos na. Pagbabago ay simulan mo na.
Tara na, kilos na. Mga problema ay solusyunan na.
Tara na, kilos na. Pagbabago ay simulan mo na.
Tara na, kilos na tungo sa bagong umaga.
Hoy Pedro! Dapat ko pa bang ulitin
para isipan mo ay magising?
Hoy Pedro! Wala ka pa rin bang gagawin?
Talagang ika'y kailangan ko pang pilitin?
PRE-CHORUS.
CHORUS.
CHORUS.
Di naman sa nakikialam
pero bakit wala kang pakialam?
Ang mundo'y nag-iiba.
Bahala ka riyan mag-isa.
Basta sana pagkatapos ng kanta
lahat tayo'y magsama-sama.
Lahat sana ay masinagan
ng liwanag ng kapayapaan.
CHORUS.