Giliw Ko

Wala ka bang magawa
at ganito na lamang kung saktan mo ako?
Giliw ko, binibigay ko naman lahat sa iyo.
Pero kulang ba?

Ano pa bang gusto mo?
Sabihin mo lang at gagawin ko.
Mapapasaiyo giliw ko kahit buhay ko pa'ng ialay sa'yo.
Pero kung kulang pa...

CHORUS:
Eh di sige na, gets ko na.
Sa akin ay ayaw mo na.
Di mo na kailangang pagdikdikan pa.
Bahala kang mag-isa. Tayo nang magkanya-kanya.
Huwag mo lang kalimutan na minsan ay minahal din kita.

Sa'n ba 'ko nagkamali?
Kung wala nama'y anong dahilan
ng iyong panlalamig giliw ko?
Bakit wala ng lambing mula sa iyo?
Talaga bang ganito?

CHORUS.

Oh di ba?
Giliw ko ikaw lang, wala ng iba.
Ewan ko kung ano ang aking nagawa
at ako ngayon ay nag-iisa.
Di naman ako nagpabaya.
Itinuring kita na aking prinsesa.
Pero bakit gan'to ang aking napala?
Nilunod ko lamang ang sarili ko sa luha.

CHORUS.

Sige na, gets ko na.
Tayong dalawa ngayon ay wala na.
Huwag mo lang kalimutan na minsan ay minahal din kita.