Kunwari

Kunwari hindi ka kanina pa hinihintay.
Kunwari ayokong hawakan iyong mga kamay.
Kunwari hindi ko nais na tayo'y magsabay.
Kunwari ayokong ika'y kaakbay.

Hanggang kailan ba ko magkukunwari?
Pag-ibig sa'yo'y di na makukubli.
Pagkat puso'y labis na nananabik.
Saan tutungo ang aking pagtangi?

CHORUS:
Ikaw lang, o aking sinta.
Ikaw lang, wala ng iba.
Pagkahulog sa'yo'y ilang libong dipa.
Tila hindi na makakaahon pa.
Ikaw lang, o aking sinta.
Ikaw lang, wala ng iba.
Mga kunwari sana'y lumipas na.
Tayong dalawa'y baka mahuli pa.

Kunwari hindi ka palagi na nasa isip.
Kunwari wala ka kailanman sa panaginip.
Kunwari hiling ko ay huwag ka sanang maihip
ng hangin palapit dito sa'king piling.

Hanggang kailan ba ko magkukunwari?
Kahit anong tago'y di na matatanggi.
Tadhana na'ng sa'ti'y siyang nagsasabi.
Malamang tayo rin naman daw sa huli.

CHORUS.

Kunwari'y kaya pang pigilan, nararamdaman.
Kunwari ako ngayon ay ayos lang.

CHORUS.