Magpakailanman

Konting tiis na lang at di magtatagal ay mapapasaiyo
ang lahat ng bagay na iyong ninanais sa buong mundo.

PRE-CHORUS:
Huwag kang susuko, piliting lumaban.
Ikaw ay mayro'ng kaibigan
na handang tumulong, laging karamay
kasama habambuhay.

CHORUS:
Narito ako handang umalalay sa iyo.
Anuman ang pagsubok na iyong pagdaanan
asahan mong ako'y nandiyan.
At hinding-hindi kita iiwan
hinding-hindi pababayaan
magpakailanman, magpakailanman.

Huwag mong isipin na ika'y nag-iisa sa pagharap sa problema mo.
Ang lahat ng tao'y may pag-asang umahon sa tamang panahon.

PRE-CHORUS.
CHORUS.

At kahit na anong gawin ng iba ay huwag na huwag pansinin.
Sarili ay iyong alalahanin. Suliranin mo ay lutasin.
At hinding-hindi kita iiwan, hinding-hindi pababayaan
magpakailanman.

CHORUS (2x).