Bakit ba hindi mo makita na ako
talaga ang nararapat sa iyo giliw ko?
Hanggang kailan maghihintay,
datnan kaya araw ng patay?
Magtitirik ng kandila
para sa pag-ibig kong di mamatay-matay.
CHORUS:
Ako lang talaga (ako lang talaga)
ang siyang nagmamahal sa iyo.
Huwag nang ipilit sa iba.
Sa akin di na mag-iisa.
Ano bang wala ako at di ko maangkin
ang tulad mo na bubuo sa aking buhay na kulang pa rin?
Handa ako na gawin anuman ang nararapat
para kahit minsan sa 'ting buhay
mga puso natin ay maglapat.
CHORUS.
Kung alam mo lang kung gaano ako nasasabik
na sa'yo matikman ang aking unang halik.
Patawarin sana kung gan'to ako kung mag-isip.
Di ko lang mapigil ang bugso ng pag-ibig.
CHORUS (2x).