Akala mo yata ako
ay di marunong masaktan.
Akala mo yata ay oo
lang ang aking alam.
Akala mo siguro
sa'yo lamang umiikot ang mundo.
Pasensya na.
Salop man ay napupuno.
Simula't simula, lahat na'y ginawa
para ika'y mapasaya.
Ngunit anong sinukli sa'king mga ngiti?
Tiwala ko lang ay binali.
Paulit-ulit ka na lamang ba?
Ako ay sawa nang umasa pa.
CHORUS:
Quota ka na.
Minsan pa ay aayaw na.
Ako rin ay napapagod na.
Kaya umayos ka.
Quota ka na.
Ayokong magmukha pang tanga.
Kung gusto mo pa'y magbago ka.
Kung hindi, paalam na (sa'yo).
Akala mo yata pag-ibig
ko sa'yo'y walang hanggan.
Iyong inasahan sa dulo'y
aking ipaglalaban.
Umiigsi ang pisi
kada beses ka na sa aki'y nagkamali.
Pasensya na.
Natutunan ko na na humindi.
Isa mo pang ulit, ako'y mawawala.
Huwag mo kong subukan. Ako'y matapang na.
CHORUS.
Bilangan ka'ng isa, dal'wa, tatlo.
Kung ako sa'yo ay magtitino
kung ayaw mong bigla na maglaho (bigla na maglaho)
ang 'sang tulad kong 'kala mo'y santo.
Puwes, ika'y mali. Ako lamang ay tao.
CHORUS (2x).