Pag-ibig na Nga Kaya

Hindi nasusukat sa tagal ng pagsasama
ni sa lapit ng pagitan sa ating dalawa.
Ang pag-ibig ay bulag kung hindi huwad.
Maniwala kang ako sa'yo'y tapat.

Hindi mapigil ang ngiti. Ikaw man ay di katabi.
Oras nati'y di tugma, ngunit may makakapigil ba?
Kahit anong itago, tayo'y mabubuko.
Sana bukas tayo na ay magtagpo.

CHORUS:
Pag-ibig na nga kaya ang ating nadarama?
Hindi na maikakaila saya sa'ting mga mukha.
Nasasabik magkita nang magka-alaman na.
Pag-ibig na nga kaya ang ating nadarama?
Mundo ko ay sumigla magmula nang makilala ka.
Sana ay walang mag-iba.

Kahit paulit-ulit ay hindi magsasawa.
Magdamagan na kulitan hanggang buwa'y maglaho na.
Mapapagod din ang araw ngunit di ako't ikaw.
Kailan kaya mag-aabot tanaw?

CHORUS.

Sapagkat hindi na makapaghintay
simula ng iyong nailigtas sa lumbay.
Hangad agad na tayo'y magkadaupang palad.
Ako at ikaw, sa'tin nga ba'y mapalad?

CHORUS.