Techy Love

Pagkagising sa umaga, bubuksan na'ng aking cellphone.
Meron kayang new messages na galing sa 'yo?
Titignan ang aking twitter. Titignan din mga texts
pati na rin ang FB baka meron kang kinoment.
I also do not mind kung sisendan mo ng selfie
which brightens up my day kahit woke up pa ng early.
Minsan pa, we call each other 'til we fall.
Buti na lang may unlicall. Kung 'di, sa bill, tayo'y sapol.

CHORUS:
Oohhh... this techy kind of love!
Kinikilig ako kahit di magmeet ng live.
Ang layo mo kasi, ang super busy pa.
Salamat at may internet. Paano kung wala?
Oohhh... this techy kind of love!
Kung sulat lang ang option, do you think we will survive?
Sapat ba'ng ating trust sa isa't isa sinta?
Kung may cellphone at may internet naman, we'll be alright.

Pag-uwi ko ng bahay, titignan na naman ang cellphone.
Baka may namiss akong messages from you or phone calls.
Icheck na rin ang feed. Icheck na rin ang wall.
You know I hate replying late. Ayokong hahabul-habol.
Pero pa'no kung senti pala ang gusto mong trip.
Mensaheng I've been waiting e-mail palang ikikeep.
Basta huwag kalimutan ang usapan mamaya.
Pagpatak ng alas-otso, ikaw sa Skype ay tutok na.

CHORUS.

Excited na akong makita'ng mahal ko tomorrow.
Matagal din tiniis ko. It's about time there's no more sorrow.
Alam mong ikaw lamang ang sa puso ko'y bumihag.
Kaya techy love sana'y maging true love.

Oohhh... this techy kind of love! (3x)
Kinikilig ako kahit di magmeet ng live.

CHORUS (2x).