2

Makinig nang mabuti sa sasabihin ko.
Nais ko lamang ay dalawang minuto.
Ako ay pagod na sa kakapanood
sa aking paligid, unti-unting lumalabo.

CHORUS:
Gumising ka kaibigan.
Huwag nang magbulag-bulagan.
Oras nang makialam.
Tigilan mo na'ng umasa sa kapalaran.

Hahayaan mo pa ba na lumala?
Walang masama sa isang dakila.
Pangunahan mo'ng mga madla.
Ipakita sa kanila kung ano ang tama.

Lahat tayo'y may obligasyon
na tulungan ang ating nasyon.
Di kailangang pera ang donasyon.
Sapat na ang mumunting aksyon.

CHORUS.

CHORUS 2:
Tadhana'y nasa 'yong kamay.
Yayain ang iba na sumabay.
Iisa lang ang buhay.
Ikaw sana ay magsilbing gabay.