Huwag nang magtampo.
Nahihirapan ako.
Masakit ito sa puso.
Ano bang nagawa?
Sa'yo'y nagkasala ba?
Minsan, di sinasadya.
Maari bang aminin mo na?
Di ko kayang patagalin pa
pangambang nadarama.
Sana'y patawarin mo na.
CHORUS:
Hindi na mapakali.
Kanina ka pa dapat bumati.
Kung ano tuloy ang naiisip.
Pagsusumamo'y iyo nang dinggin.
Huwag nang magtampo.
Hindi sanay sa gan'to.
Nasa'n na ang ngiti mo?
Huwag ka lang mawala
bigla na parang bula.
Pagkat hindi ko makakaya.
Maari ba nating pag-usapan?
Kung tunay ang ating pagmamahal
mananaig ang katotohanan.
Kahit tayo pa ay masaktan.
CHORUS.
Patawad, patawad sa'yo.
Huwag nang magtampo.
Mahal na mahal
mahal na mahal kita.