Di maintindihan
ang nararamdaman.
Gulung-gulung-gulo ang aking isipan.
Ba't ba nagkaganyan?
Mundo ko'y nabuwang.
Hindi malaman kung anong dahilan.
O bakit pag ika'y malapit na
dulot mo'y galak, puso'y sumasaya?
CHORUS:
Anong sakit bang sa'kin ay kumapit
At, sa isip, ikaw ay di mawaglit?
Sa umaga, gabi at sa tanghali
pag wala ka, ako ay di mapakali.
Nais ko'y kasama ka parati
kasamang babiyahe patungong langit.
Ako'y nalilito
tulala lang sa'yo
minamasdang masugid mga kilos mo.
Di ko mahinuha
ngiti sa 'yong mukha.
Nakakahawa, nakatataranta.
O bakit pag ika'y lumalayo
puso'y nalulumbay, nangungulila sa'yo?
CHORUS.
Kapit na. Sumabay sa'king kanta.
Agapan bago pa ito lumala.
Pa'no kung ikaw din ang gamot na para sa akin?
Mabuti pa kaya, mabuti pa kayang sabay nating alamin.
CHORUS (except last two lines).
CHORUS.