Hangal

Kamusta ka.
Naaalala mo pa ba
nung huli tayong magkita?
Nagpaalam ka.

Ako'y nabigla.
Iniwan mong umaasa.
Hindi man lamang nagbanta
ika'y mawawala.

Nalaman mong pagmamahal ko sa'yo ay tapat.
Ngunit anong sa aki'y sinumbat?

CHORUS:
Ako'y isang hangal
na umibig sa isang duwag.
Puso ko ngayo'y nasasadlak.
Pilit nililimutan alaalang kumupas.

Paliwanag ka.
Wag sabihin na tayo'y bata
na hindi pa man handa.
Baka natakot ka.

Nais lang naman
matinong kasagutan
isang dibdibang usapan.
Bakit ka lumisan?

CHORUS.

Hindi naman kailangan na matapos sa poot
kung tunay ang pag-ibig na minsan mong pinangako.
Pilit tatanggapin, maging tapat lamang sa'kin
kaysa ako ay iwan mong umiisip.

CHORUS.