Palayain

Minsan, aking tinatanong
kung dapat nga ba kitang minahal.
Ngayon, tayo'y nasasaktan
pilit iniiwasan ang nakaraan.

Huwag mo sanang isipin
ako'y sumusuko sa'yo.
Marapat lamang ay may bumabagabag
sa isipan ko.

CHORUS:
Paano kung di naman talaga tayo para sa isa't isa?
Paano kung para sa atin ay mayroong iba?
Mabuti pa siguro kung palayain muna ang isa't isa
dahil kung tayo rin naman sa huli ay tayo nga talaga.

Ako'y nalilito ngayon.
Ba't di na tayo tulad ng noon?
Ano na nga ba'ng nag-iba?
Sarili nati'y di na kilala.

Marami na ang nagbago
mula nang ikaw ay inibig ko.
Marami na ngayon ang bumabagabag
sa isipan ko.

CHORUS.

Marahil nga siguro'y dapat muna na tigilan.
Ang ating pagmamahalan, sa iba ay ilaan.
Kung siya'ng makakabuti, bakit di na lang hayaan?
At kung hindi naman, eh ano kung ating sinubukan?

CHORUS (2x).