Paubos na ang tinta ng bolpen ko
habang sinusulat ang kanta para sa'yo.
Batid mo ba na mahirap umisip
ng mga salita na babagay sa'yo?
PRE-CHORUS:
Patingin-tingin, mukha ng duling.
Pabulung-bulong, para ng praning.
Di mo pa ba nahahalata?
Sana nga'y mali aking akala.
CHORUS:
Kanina pa kitang pinagmamasdan.
Hindi mo naman ako magawang suklian.
Nakakainis ka na. Hindi mo ba napupuna
pag-ibig ko sa'yo'y wagas at totoo?
Palakad-lakad pa sa kung saan,
di naman alam ang pupuntahan.
Wala naman akong magawa.
Ganito ba talaga ang tadhana?
PRE-CHORUS.
CHORUS.
Di ka pa ba natunaw sa tingin?
Nagsawa na ba sa'kin ang hangin?
Di mo naman ako pinapansin.
Kung sa'n-saan ka kasi nakatingin.
CHORUS (2x).