Patawad

Patawad. Ako'y sadyang mahina.
Patawad. Sa'yo, ako'y nagkasala.
Patawad. Mortal lamang ako.
Patawad. Ako'y nagkulang sa'yo.

Kung maibabalik ko lang ang ating nagdaan
ikaw ay iiwasan para di na masaktan.
Pagkat ako ngayo'y nasa mabuting kalagayan.
Kaya iyo sanang unawaan.

CHORUS:
Patawarin mo sana ako
kung aking natantong hindi ako'ng para sa'yo.
Patawarin mo sana.
Alam kong nasaktan ka.
Patawad. Ako'y mayro'n ng iba.

Patawad. Kung hindi lang mahina
di na naglihim. Naging tapat sana.
Patawad. Tao lamang ako.

Kung mauulit lang ang nakalipas, ang mali
ay itatama ko. Saksi ang langit.

CHORUS.

Sana'y mahanap mo rin ang sa'yo'y nakalaan.
Sana'y matanggap mo na ako sa'yo'y di kawalan.
Kung atin pang ipilit ay isang kamalian.
Kaya patawarin na, iyo ng bitawan.

CHORUS (except last line).

Patawad. May mahal na'kong iba.